Bahay ng judge sa Dumaguete City, pinagbabaril at hinagisan ng granada ng nakamotorsiklong mga suspek

Regional

Pinagbabaril at hinagisan ng granada ang bahay ng isang judge sa Dumaguete City.

Sa imbestigasyon ng Dumaguete Police, nagising nang madaling-araw ang pamilya ni Judge Roderick Maxino dahil sa sunud-sunod na putok ng baril na sinundan pa ng pagsabog ng granada.

Hinala ng mga awtoridad, posibleng may kinalaman ang pangyayari sa kasong hawak ng hukom kaugnay ng iligal na droga.

Butas-butas ang bubong at dingding ng bahay at maging ang sasakyan dahil sa mga tama ng bala.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing pangyayari.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang dahilan ng pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *