Duterte, nagtalaga ng OIC ng Pag-IBIG fund

National News

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong officer-in-charge (OIC) para sa Pag-IBIG Home Development Mutual Fund (HDMF) si Acmad Rizaldy Moti.

Ito’y matapos tanggapin ni Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni HDMF president and CEO Darlene Berberabe.

Ayon sa Office of the Executive Secretary, ang pagkakatalaga kay Moti ay para na rin matiyak na tuluy-tuloy ang serbisyo ng Pag-IBIG.

Na-appoint si Moti bilang OIC noong Pebrero a-beinte otso.

Si Moti ay nagsilbi bilang Deputy Chief Executive Officer for Home Lending Operations ng ahensiya simula 2013.

Nagsilbi naman si Berberabe bilang Pag-IBIG fund president sa loob higit anim na taon matapos maitalaga ni noo’y Pangulong Noynoy Aquino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *