Ilang bahagi ng Ifugao at buong Probinsiya ng Quirino, makakaranas ng 10 oras na brownout

Regional

Ilang bahagi ng Ifugao at buong Probinsiya ng Quirino ang makararanas ng sampung oras na brownout sa darating na Miyerkules.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NCGP), maaapektuhan ng isasagawang maintenance work ang Bayan ng Isabela sa Ifugao at buong Quirino simula alas-otso ng umaga hanggang ala-sais ng gabi.

Bunsod ito ng gagawing maintenance activities sa transmission lines sa ISELCO I, IFELCO at buong QUIRELCO area.

Sinabi naman ng NGCP na gagawin ang lahat para maibalik agad ang kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *