Partisipasyon ng simbahan sa ‘Oplan Tokhang 2’, welcome sa PNP

National News

Bukas ang Philippine National Police (PNP) sa magiging partisipasyon ng simbahan, local government officials at mga opisyal ng barangay sa pagpapatupad muli ng “Oplan Tokhang Part 2.”

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, malaki ang pagkakaiba ngayon ng “Oplan Tokhang 2” kumpara noong nakaraan.

Sinabi ni Dela Rosa na sa gagawing mga operasyon ay kailangang kasama ang mga chief of police, precinct commanders o station commanders para pangunahan ito.

Tiniyak din ni Dela Rosa na magiging transparent ang PNP sa kanilang trabaho at sisiguraduhing hindi nila nilalabag ang karapatang pantao.

Dagdag pa ni Dela Rosa na magiging maingat sila ngayon sa paglulunsad ng “Oplan Tokhang 2” upang hindi ito magamit ng mga tiwaling pulis.

Aniya, hihikayatin din ng PNP ang mga drug suspek na boluntaryong sumailalim sa drug rehabilitation ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *