Pawnshop sa Marikina, nilooban ng ‘Acetylene Gang’

Metro News

Nilooban ng umano’y ‘Acetylene Gang’ ang isang pawnshop sa Sumulong Highway, Barangay Santo Niño sa Marikina City.

Ayon sa Philippine National Police (PNP)-Marikina, laking gulat na lamang ng mga empleyado ng Capital Pawnshop na butas na ang sahig ng sanglaan.

Natangay ng mga suspek ang P600,000, $1,850 at mga alahas na aabot sa P20,000.

Sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *