Senado, muling susubukin ang kredibilidad ni SPO3 Lascañas

National News

Susubukin ang kredibilidad ni SPO3 Arturo Lascañas sa muli niyang pagharap ngayon sa Senado kung bakit binawi niya ang kanyang naunang pahayag sa pagkakasangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao Death Squad (DDS).

Handa na raw ngayon si Lascañas na ibunyag ang kanyang nalalaman kaugnay sa operasyon ng DDS at pagkakaugnay rito ni Pangulong Duterte.

Magugunitang sa kanyang pahayag noong nakaraang buwan, sinabi ni Lascañas na taliwas sa kanyang testimoniya noong Oktubre, na totoo ang DDS at isa raw siya sa mga lider nito.

Sinabi ni Lascañas na inuutusan at binabayaran sila ng noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte para pumatay ng taong kriminal at kung minsan ay pati inosente.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, susuriin nila ang kredibilidad ni Lascañas at aalamin kung bakit nito binaliktad ang nauna nitong pahayag sa Senate Justice Committee.

Inaasahang dadalo rin sa nasabing pagdinig ang kinatawan mula sa Commission on Human Rights (CHR) at Philippine National Police (PNP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *