Tagaytay radar, sinimulan nang isara ng CAAP

National News

Sinimulan na ang pagsasara ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Tagaytay radar bilang bahagi ng system maintenance.

Alas-sais ng umaga nang isara ang radar na ginagamit ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa mga pumapasok na flight sa Maynila.

Magtatagal ang temporary shutdown ng anim na araw.

Paglilinaw naman ng CAAP, kahit naka-shutdown ang Tagaytay radar, operational pa naman ang dalawang radar sa Cebu at Laoag kaya hindi naman tuluyang napilayan ang dating ng mga eroplano sa NAIA.

Kasabay ng shutdown ang pag-upgrade sa Tagaytay radar para na rin ito maging world class.

Huling ginawa ang maintenance shutdown sa Tagaytay radar noong 2009, mas mahaba sa dapat sana’y kada-limang taong shutdown.

Magtatagal ang hakbang nang hanggang Marso a-onse, Sabado.

Para sa mga pasaherong nakansela ang flights dahil sa radar shutdown, maaaring makipag-ugnayan sa mga airline company upang i-rebook ang ticket sa loob ng 30 araw mula sa orihinal na departure date, kumuha ng refund o i-reroute sa pinakamalapit na airport ang biyahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *