CHR, tutol sa pagbabalik ng PNP sa war on drugs

National News

Tutol ang Commission on Human Rights (CHR) sa muling paglulunsad ng Philippine National Police (PNP) ng anti-drug operations.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na wala pang resulta sa internal cleansing ng PNP at wala pa ring makabuluhang imbestigasyon ang isinagawa sa mga kaso ng extrajudicial killings (EJKs).

Hinimok naman ng CHR ang gobyerno na i-hold muna ang “Oplan Double Barrel Reloaded” hangga’t wala pang nangyayaring reporma sa loob ng PNP at seryosong imbestigasyon sa mga naganap na pagpatay.

Una nang inanunsiyo ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na muling sasabak ang PNP sa war on drugs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *