Death Penalty Bill, pagbobotohan ngayon sa Kamara

National News

Idinepensa ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas ang bersiyon ng Kamara sa Death Penalty Bill.

Sa ilalim kasi ng panukala ng Kamara, tanging drug offenses lamang ang papatawan ng parusang bitay.

Ani Fariñas, walang punto na maraming paglabag sa batas ang papatawan ng parusang bitay kung hindi naman ito maipapasa sa Senado.

Nominal voting ang gagawin ng Kamara para sa ikatlo at huling pagbasa ng panukala sa Kamara, kung saan ay isa-isang boboto ang 293 kongresista kung pabor sila o hindi sa panukala.

Ayon sa kongresista, nasa 147 boto ang kinakailangan para maipasa ang panukala.

Bagama’t aminado si Fariñas na posibleng hindi na mabigyan ng ayuda ang bansa dahil sa panunumbalik ng death penalty, makakaya naman aniya ito ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *