EO para sa nationwide smoking ban, lalagdaan na ni Pangulong Duterte

National News

Lalagdaan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order (EO) para sa nationwide smoking ban.

Ito ang inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol matapos ang Cabinet meeting sa Malacañang.

Sa nasabing EO na inihanda ng Department of Health (DOH), ipagbabawal na sa lahat ng pampublikong lugar at loob ng mga establisimiyento sa buong bansa ang paninigarilyo at ang paggamit ng e-cigarettes at vapes.

Ayon sa kalihim, nais ng pangulo na aprubahan ang mismong draft ng EO na walang madaragdag o mababawas sa nasabing panukala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *