May-ari ng Mighty Corp., pinaaaresto ni Duterte

National News

Kinumpirma ng Malacañang na nagkaroon ng tangkang suhulan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, tinanggihan naman ito ng pangulo.

Hindi naman nagdetalye pa si Abella kung sino ang nagtangkang manuhol kay Duterte.

Pero sa pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, sinabi umano ni Duterte na tinangka siyang suhulan ng may-ari ng Mighty cigarettes nang milyong halaga ng pera.

Iniutos na rin aniya ni Duterte ang pag-aresto sa may-ari ng nasabing cigarette company dahil sa ‘economic sabotage.’

Pinaiimbestigahan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nasabing kumpanya dahil sa umano’y paggamit ng mga pekeng tax stamps.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *