NoKor, Malaysia nagpatupad ng exit ban

International News

Lalong tumindi ang tensiyon sa pagitan ng North Korea (NoKor) at Malaysia dahil sa pagkamatay ni Kim Jong-Nam na kapatid ng North Korean leader.

Unang ipinatupad ng NoKor ang exit ban sa Malaysia.

Ayon sa NoKor, hanggang hindi nareresolba ang isyu sa pagkamatay ni Kim ay hindi makaaalis ng kanilang bansa ang mga taga-Malaysia.

Ikinagalit ni Malaysian Prime Minister Najib Razak ang exit ban na unang inanunsiyo ng NoKor.

Ginagamit umanong hostage ng NoKor ang Malaysian nationals.

Kaya’t nagpatupad din ang Malaysia ng exit ban sa mga mamamayan ng NoKor na nasa kanilang bansa.

Kapwa binawi na ng dalawang bansa ang kani-kanilang ambassadors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *