RPA, itinangging sangkot ang kanilang comrade sa pagpatay sa volunteer doctor sa Lanao del Norte

Regional

Itinanggi ng Revolutionary People’s Army (RPA) na sangkot ang kanilang kasamahan na si Agapito Democer sa pagpatay sa volunteer medical doctor na si Dreyfuss Perlas noong Miyerkules sa Lanao del Norte.

Itinanggi rin ng grupo na isang hired assassin si Democer na napatay rin sa Bayan ng Kapatagan matapos na magtangkang magtapon ng granada sa mga pulis at sundalo.

Ang RPA ang armed wing ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa-Mindanao na pumaksiyon sa Communist Party of the Philippines (CPP) noong dekada nobenta.

Hindi naman iniaalis ng mga awtoridad ang posibleng pagkakasangkot ni Democer sa pagkakapaslang sa duktor.

Pinag-aaralan din ng mga awtoridad ang tatlong motibo sa pagpatay kay Perlas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *