Simbahang Katoliko, hindi kakagat sa imbistasyon ni Dela Rosa na isama sila sa ‘Oplan Tokhang’

National News

Hindi kakagatin ng Simbahang Katoliko ang imbitasyon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa na isama sila sa pagsasagawa ng “Oplan Tokhang.”

Ayon kay Manila Auxilliary Bishop Broderick Pabillo ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP), gagamitin lamang sa propaganda ng PNP ang presensiya ng mga pari sa mga operasyon.

Sinabi naman ni Pabillo na imbes na “Oplan Tokhang” ay unahin na lamang linisin ng pulisya ang sariling hanay at mga pulitikong sangkot sa droga.

Pero para naman sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), mas transparent na ang ‘tokhang’ kapag isinama ang church leaders at mga kapitan ng barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *