Trillanes, umaasang lulutang din ang iba pang miyembro ng DDS

National News

Naniniwala si Senador Antonio Trillanes IV na lulutang din ang iba pang miyembro ng tinaguriang Davao Death Squad (DDS) sa tamang panahon.

Sinabi ito ni Trillanes matapos na tanungin ni Senadora Grace Poe si retired SPO3 Arturo Lascañas sa Senate hearing kung may kilala pa itong ibang miyembro ng DDS na maaaring magpatunay sa kanyang mga pahayag.

Parehong kumbinsido si Poe at Senador Panfilo Lascon na makatutulong sa kredibilidad ng testimonya ni Lascañas kung may iba pang magpapatotoo sa mga ito.

Sinabi naman ni Trillanes na ilan sa mga miyembro ng DDS ang lumalapit sa kaparian at magsisiwalat din ng kanilang nalalaman sa tamang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *