Anne Curtis, tikom pa rin sa preparasyon para sa kanyang kasal

Showbiz

Tikom pa rin ang bibig ng actress-TV host na si Anne Curtis sa mga preparasyon nila ng fiancé na si Erwann Heussaff para sa kanilang kasal.

Gayunman, nagbigay siya ng ilang detalye para sa kanyang nalalapit na kasal.

Ayon kay Anne, sa darating na Abril pa nila sisimulan ang preparasyon pero tiniyak niya na ngayong taon mangyayari ang kasal.

Say pa ng aktres, ilan sa kanyang mga co-host sa isang noontime show ang kasama sa kanyang wedding entourage.

Matatandaang November 2016 nang ma-engage si Anne kay Erwann sa New York.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *