Kumpirmasyon ni Lopez, ipinagpaliban ng CA

National News

Ipinagpaliban ng Commission on Appointments (CA) hanggang bukas ang confirmation hearing para sa ad interim appointment ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Dalawa lamang sa dalawampu’t tatlong kontra sa kumpirmasyon ni Lopez ang dininig ng komite.

Ayon kay Senador Manny Pacquiao, para patas ay dapat na marinig ang lahat ng tutol kay Lopez kaya’t imposible aniyang makumpirma ang nominasyon ngayong linggo.

Si Lopez ay nakatakdang lumabas ng bansa sa Biyernes at kung hindi siya makukumpirma sa Marso a-disiotso ay maituturing na bypassed ang kanyang appointment.

Ang kumpirmasyon ni Lopez ay kinukuwestiyon dahil sa umano’y conflict of interest at sa hindi umano patas na mining audit.

Nasa 75 mining contracts na ang kinansela ni Lopez samantalang 23 ang ipinasara at lima ang ipinasuspindi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *