Pulse Asia Survey: 94% Pinoy, naniniwalang dapat ipaglaban ang karapatan ng kababaihan

National News

Halos lahat ng mga Pilipino ay naniniwalang may karapatan ang kababaihan na ipaglaban ang kanilang karapatan.

Sa survey ng Pulse Asia, 94% ng mga Pinoy ang nagsabing tama lang na ipaglaban ng mga babae ang kanilang mga karapatan.

Dalawang porsiyento naman ang tutol na ipaglaban ng mga babae ang kanilang mga karapatan.

Apatnapu’t isang porsiyento rin ang naniniwalang pantay ang nagiging pagtrato ng mga lalaki sa kababaihan.

Isinagawa ang survey mula Disyembre a-sais hanggang a-onse sa 1,200 katao.

Ilan sa mga nangyari nang isagawa ang survey ay ang pagbibitiw ni Vice President Leni Robredo bilang pinuno ng Urban Development Coordinating Council matapos pigilang dumalo sa mga Cabinet meeting.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *