Women's group, nagprotesta ngayong Int’l Women’s Day

National News

Sinabayan ng kilos-protesta ng grupo ng mga kababaihan ang paggunita ng International Women’s Day ngayong araw.

Ito ay upang kondenahin ang pagpasa ng Death Penalty Bill sa Kamara, pagbabalik ng “Oplan Tokhang,” usapin ng kontraktuwalisasyon sa bansa at paglaban sa karapatan ng mga kababaihan.

Mula sa Plaza Moriones sa Tundo, Maynila ay nagmartsa ang grupong Gabriela patungong US Embassy.

Binabatikos din ng grupo ang pag-atake ni US President Donald Trump sa mga kababaihan.

Pinayagan naman ang mga nagprotesta na makalapit sa US Embassy sa Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *