4 na katao mula MM, arestado sa pamemeke ng credit card sa Boracay

Regional

Arestado ang apat na katao dahil sa credit card fraud sa Isla ng Boracay.

Kinilala ang mga suspek na sina Camela Cho Pahati ng Sta. Cruz, Maynila, Apol Cruz Buenaflor ng Taguig, Reynald Merlan Bartolome ng Mariveles, Bataan at Jose de Leon Marcelino ng Taguig, Maynila.

Naaresto ang mga suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng mga operatiba ng Boracay Tourist Assistance Center sa Caticlan Jetty Port.

Nakuha sa mga ito ang mga handheld skimming device at laptop na pinaniniwalaang ginagamit sa kanilang iligal na aktibidad.

Hinuli ang mga suspek dahil sa mga kahina-hinala umano nilang transaction gamit ang mga credit card upang bumili ng mga mamahaling alak at pagkain sa ilang mga sikat na disco bar at iba pang restaurant sa isla.

Sa ngayon ay inihahanda na ang pagsasampa ng kasong estafa at paglabag sa RA 8484 o Access Device Regulation Act of 1998 laban sa mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *