Ikalawang bugso ng dagdag-pensiyon makukuha na bukas

National News

Bukas ay matatanggap na ng mga kuwalipikadong pensioner ang ikalawang bugso ng dagdag sanlibong pisong pensiyon ng Social Security System (SSS).

Ang nasabing sanlibong piso ay para sa buwan ng Pebrero.

Samantala, sa susunod na linggo naman ay makukuha ang dagdag na pensiyon para sa buwan ng Marso.

Simula Abril ay makukuha na ng mga pensiyonado ang kanilang sanlibong dagdag-pensiyon kasabay ng kanilang regular na buwanang pensiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *