Isang DENR usec idinepensa ni Gina Lopez

National News

Ipinagtanggol ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez ang pagkakatalaga kay Undersecretary Leo Jasareno kahit pa may kinahaharap itong reklamong graft.

Ayon sa Lepanto Consolidated Mining Company, ‘bad faith’ ang ginawa ni Jasareno sa pag-aanunsiyo ng mga rekomendadong suspindihin.

Aminado naman si Lopez na nakatatanggap siya ng maraming reklamo kay Jasareno mula nang maging kalihim ng DENR pero wala naman aniyang naipakikitang ebidensiya laban dito.

Pinasinungalingan din ni Lopez ang mga alegasyong inaprubahan ni Jasareno ang mga kuwestiyonableng mining permits noong ito ang hepe ng Mines and Geosciences Bureau (MGB).

Pinakamarami rin aniya ang nangyaring suspensiyon sa mga minahan noong panahon ni Jasareno bilang director ng MGB.

Tiniyak naman ni Lopez na mayroon siyang ‘zero tolerance’ sa kurapsiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *