Lagman kinastigo si Alvarez

National News

Maaanghang na pahayag ang binitiwan ni Albay Congressman Edcel Lagman laban kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ito’y matapos ang banta ni Alvarez na tanggalin ang mga kongresistang may committee chairmanships na tutol sa death penalty.

Ani Lagman, wala na aniyang maniniwala kay Alvarez kung hindi nito tototohanin ang banta.

Pagkaarogante aniya ang ginawang ito ni Alvarez sa mga kongresistang takot na suwayin siya.

Napaulat umano na hindi na itutuloy ni Alvarez ang bantang pagsipa sa mga kongresista.

Itinanggi naman ito ni Alvarez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *