May-ari ng Mighty Corporation inilagay sa lookout bulletin

National News

Inilagay na ng Department of Justice (DOJ) sa Immigration lookout bulletin ang magkapatid na may-ari ng Mighty Corporation.

Dahil dito ay mahigpit na babantayan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sina Alexander Wongchuking at Ceasar Dy Wongchuking na sangkot umano sa smuggling ng mga sigarilyo sa bansa.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, dapat na ipagbigay-alam agad sa DOJ o sa mga Immigration personnel kapag nagtangkang lumabas ng bansa ang magkapatid na Wongchuking.

Si Alexander ay una nang ipinaaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y economic sabotage at pamemeke ng tax stamps.

Lumutang na ito sa National Bureau of Investigation (NBI) at DOJ kamakalawa at nakipagpulong kina Aguirre at NBI Director Dante Gierran pero hindi inaresto dahil wala pang nasasampang kaso laban dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *