Pagpapahubad sa mga preso sa Cebu, pinaiimbestigahan sa Kamara

National News

Pinaiimbestigahan sa Kamara ni deputy speaker at Cebu Representative Gwen Garcia ang pagpapahubad sa mga inmate sa Cebu Provincial Detention and Rehab Center.

Nangyari ang pagpapahubad sa mga preso noong nakaraang linggo.

Una nang idinepensa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagpapahubad dahil sa anila’y pagpasok ng mga kontrabando sa kulungan.

Pinalagan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpapahubad sa mga preso dahil saad ng ahensiya, labag ito sa karapatang pantao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *