Senado tinapos na ang Jack Lam probe

National News

Tinapos na ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon nito sa bribery scandal sa mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Committee Chairman Senator Richard Gordon, malinaw na extortion at hindi bribery ang nangyari.

Inabsuwelto rin ni Gordon si Department of Justice (DOJ) Secretary Aguirre sa anumang partisipasyon sa extortion sa Chinese gambling lord na si Jack Lam.

Idiniin ni Gordon ang mga dating BI Deputy Commissioner Al Argosino at Michael Robles sa umano’y pangingikil sa kampo ni Lam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *