Simbahang Katolika, pinapurihan ang mga mambabatas na bumotong ‘no’ sa Death Penalty Bill

National News

Pinuri ng Archdiocese of Caceres ang mga kongresistang matapang na bumoto laban sa pagbuhay muli ng death penalty.

Nagpahayag ng suporta si Rev. Fr. Rex Alarcon sa mga mambabatas na bagama’t namemeligrong mawalan ng mahahalagang posisyon sa House of Representatives ay bumoto pa rin ayon sa kanilang konsensiya.

Ayon kay Father Rex, magpapatuloy pa rin ang kanilang hayagang pagpaparating ng pagtutol sa death penalty.

Naniniwala ang simbahan na hindi ang parusang kamatayan ang solusyon sa problema sa kriminalidad sa bansa, kundi ang pagsasaayos ng Justice system at istriktong pagpapatupad ng mga batas.

Binigyang-diin ni Father Rex, na ang may-akda ng buhay ay ang Diyos kung kaya walang ibang maaaring kumuha nito kundi ang Diyos lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *