Trillanes, humingi ng paumanhin kay Pacquiao dahil sa ‘saint’ remark

National News

Humingi ng paumanhin si Senador Antonio Trillanes IV kay Senador Manny Pacquiao matapos itong ma-offend sa kanyang ‘saint’ remark.

Sa isang ulat, pinasaringan ni Trillanes ang mga kapwa senador at sinabing hindi naman sila nagiging santo matapos ang spiritual renewal.

Kaugnay ito sa pagkuwestiyon ng mga senador sa spiritual renewal ni retired SPO3 Arturo Lascañas.

Sa kanyang privilege speech, inamin ni Pacquiao na na-offend siya sa komentong ito ni Trillanes.

Sinabi rin ni Pacquiao na wala namang santo at hindi makasalanan.

Pero paglilinaw ni Trillanes, wala naman siyang pinatutungkulan na partikular na senador dahil hindi lang naman si Pacquiao ang nag-ungkat tungkol sa spiritual renewal ni Lascañas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *