Yasay ‘di na kakasuhan ng perjury

National News

Si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay rin ang may kasalanan kung bakit nabasura ang kanyang ad interim appointment sa Commission on Appointments (CA).

Ito ang naging pahayag ni Occidental Mindoro Congresswoman Josephine Ramirez-Sato na isa rin sa miyembro ng CA.

Paliwanag ni Sato, malinaw na walang respeto sa komisyon si Yasay sa kanyang ginawang pagsisinungaling sa isyu ng citizenship nito.

Dagdag pa ng kongresista, ang mga dokumentong pinagbasehan niya sa pagkuwestiyon sa citizenship ni Yasay ay mga dokumentong galing din sa kalihim.

Wala namang plano si Sato na kasuhan ng perjury si Yasay sa kabila ng aniya’y pagsisinungaling nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *