AFP, walang sariling ‘Oplan Tokhang’

National News

Tiniyak ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na hindi magsasagawa ng sariling “Oplan Tokhang” ang mga sundalo.

Pagtitiyak ng kalihim, magbibigay lamang sila ng suporta sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa mga operasyon.

Tanging ang PDEA lang aniya at hindi ang militar ang maaaring umaresto sa drug users at pushers at standby lang ang militar sakaling magkaroon ng putukan.

Isinama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar sa anti-drug operations matapos na alisin sa PNP at ipasa sa PDEA ang pangunguna sa campaign against drugs ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *