Arraignment nina Pichay, Gatchalian muling iniurong sa Mayo

National News

Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang arraignment nina Surigao Del Sur Rep. Prospero Pichay, Valenzuela Rep. Weslie Gatchalian at marami pang iba.

Ito ay kaugnay ng mga kasong kriminal kaugnay rin ng maanomalyang pagbili ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa isang thrift bank noong 2009.

Ang pagdinig ay muling itinakda sa Mayo 30 habang pending pa ang resolution of motions for reconsideration na inihain ng prosecution at ilan sa mga akusado.

Sina Pichay, Gatchalian at marami pang iba ay nahaharap sa kasong graft at paglabag sa Manual of Regulation for Banks dahil sa naturang kasunduan.

Nabatid na ang naturang kasunduan ay nagkakahalaga ng P80 milyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *