Duterte, walang kinalaman sa online attacks laban kay Robredo

National News

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman siya sa online attacks laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon sa pangulo, kahit noon pa mang mayor siya ng Davao ay hindi siya ang tipo na gumagamit ng black propaganda.

At dahil siya na ang may pinakamataas na posisyon sa bansa ay wala na rin aniyang iba pang political ambition si Duterte.

Nais na lamang aniyang gawin ng pangulo ang kanyang trabaho para palakasin ang gobyerno at tapusin ang kurapsiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *