Ikalawang bugso ng dagdag-pensiyon, makukuha na ngayon

National News

Matatanggap na ng mga kuwalipikadong pensioners ang ikalawang bugso ng sanlibong pisong dagdag-pensiyon ng Social Security System (SSS).

Ang nasabing sanlibong piso ay para sa buwan ng Pebrero.

Nagpaalaala naman ang SSS sa mga pensiyonado na agad na ipaalam sa ahensiya kung hindi matatanggap ang karagdagang benepisyo.

Noong nakaraang linggo ay ini-release na ng SSS ang unang bugso ng dagdag-pensiyon na para naman sa buwan ng Enero.

Samantala, sa Marso 17 naman ilalabas ang sanlibong dagdag-pensiyon na para sa buwan ng Marso.

Sa Abril ay isasabay na ang sanlibong pisong dagdag sa regular na buwanang pensiyon.

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sanlibong pisong pension hike noong Enero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *