Kritisismo sa pangulo, hindi maituturing na destabilisasyon — Defense Secretary Lorenzana

National News

Muling nilinaw ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na walang natatanggap ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na impormasyon tungkol sa umano’y destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte .

Sa kabila ito ng paniniwala ng ilang malalapit sa pangulo na ang mga kritisismo sa war on drugs ng pamahalaan at pagdawit kay Duterte sa Davao Death Squad (DDS) ay bahagi umano ng ouster plot.

Pero ayon kay Lorenzana, hindi maituturing na destabilisasyon ang mga kritisismo sa pangulo.

Aniya, bahagi ang kritisismo ng demokrasya at hindi agad-agad na maaaring iugnay sa destabilisasyon.

Kinontra rin ng kalihim ang pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano na kasama na ang drug lords sa nagbabalak na pabagsakin ang pangulo.

Ayon kay Lorenzana, wala nang kakayahan ang drug lords na gawin ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *