Lopez, malaki ang tiyansang ma-bypass ng CA

National News

Malaki ang tiyansang ma-bypass ang kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA) kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez kung hindi pa ito mapagdedesisyunan sa susunod na linggo.

Itinakda ng CA ang isang executive caucus para sa kumpirmasyon ni Lopez sa Huwebes.

Ang huli naman nitong Plenary session ay sa Miyerkules bago tuluyang mag-adjourn ang Kongreso sa Biyernes.

Aalis naman ng bansa si Lopez ngayong araw hanggang sa susunod na linggo kaya’t hindi siya makadadalo sa plenary session sa Miyerkules.

Kung hindi naman mapagdedesisyunan, sinabi ni CA Committee Chairman Senator Manny Pacquiao na maaari namang i-reappoint si Lopez ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw naman ni Senador Franklin Drilon na hindi ibig sabihin na maba-bypass si Lopez ay mababasura na ang ad interim appointment nito kagaya ng nangyari kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *