1 patay, 2 sugatan sa aksidente sa Marcos Highway

Metro News

Patay ang isa katao samantalang dalawa ang sugatan matapos sumalpok ang isang dump truck sa poste ng LRT Line-2 Extension sa Marcos Highway sa Marikina City.

Kinilala ang nasawi na si Sammy Boy Gallano, ang pahinante ng truck na may plate number na RKN-188.

Samantala, sugatan naman ang driver na si Paolo Gil at guwardiya ng LRT na si Ronnel Asuelo na agad isinugod sa ospital.

Patuloy na binabaklas ang mga scaffolding bago alisin ang dump truck.

Nagdulot naman ng mabagal na daloy ng trapiko sa Eastbound at Westbound lanes ng Marcos Highway ang aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *