14 na drug suspects, patay sa unang linggo ng ‘Oplan Double Barrel Reloaded’

National News

Labing-apat na drug suspects ang napatay samantalang 467 naman ang naaresto sa unang linggo ng pagbabalik ng Philippine National Police (PNP) sa anti-drug operations.

Ang labing-apat ay nasawi sa 281 police operations mula nang ikasa ng PNP ang ‘Oplan Double Barrel Reloaded’ noong ika-6 ng Marso.

Naaresto naman ng PNP ang higit apatnaraang drug suspects sa bagong ‘Oplan Tokhang’ katuwang ang barangay officials.

Mula rin noong ika-6 ng Marso ay umabot na sa 5,164 na bahay ang binisita ng pulisya samantalang labinsiyam na drug suspects naman ang sumuko sa unang anim na araw ng bagong ‘Oplan Tokhang.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *