Duterte, sisiguraduhing matatapos ang terorismo kapag nagdeklara ng Martial Law

National News

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na matagal na niyang kilala ang may-ari ng Mighty Corporation na si Alexander Wongchuking.

Ayon sa pangulo, mag-Mistah sila ni Wongchuking matapos silang parehong ini-adopt ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1967.

Binanggit din ng pangulo ang pagbibigay sa kanya ni Wongchuking ng pera noong siya pa ang alkalde ng Davao City at ng baril noon lamang Disyembre ngunit agad niya aniya itong tinanggihan.

Matatandaan naman na kamakailan lang ay sinabi ng palasyo na tinangka umanong suhulan ng Mighty Corporation si Duterte matapos matuklasan ang paggamit ng mga pekeng tax stamps ng kumpanya sa mga pakete ng sigarilyo.

Una nang sinabi ng pangulo na bukas siya sa pakikipag-usap sa pamunuan ng Mighty pero ito ay mangangailangan pa ng pagpayag nina Department of Finance (DOF) Sec. Carlos Dominguez, Bureau of Customs (BOC) Chief Nicanor Faeldon at Bureau of Internal Revenue (BIR) Chief Cesar Dulay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *