Koreano, arestado sa investment scam

Regional

Natimbog sa Dasmariñas, Cavite ang South Korean na sangkot sa P5 million investments scam.

Kinilala ang suspek na si Noh Deokeun.

Ayon sa Bureau of Immigrations (BI), inaresto si Noh alinsunod sa inilabas na order ng South Korean Court laban sa Koreano dahil sa pagkakasangkot nito sa investment scam.

Iniimbestigahan na ng BI ang kasong kinasasangkutan ng Koreano.

Ayon kay BI Associate Commissioner Jose Carlitos Licas, pagpapakita ito na seryoso ang Pilipinas na tulungan ang gobyerno ng Korea na tugisin ang mga pumugang Koreano.

Nakatakda namang ipa-deport ang naturang Koreano na kasalukuyan ngayong nakapiit sa Immigration detention facility sa Bicutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *