Lider ng NPA, patay sa bakbakan sa CamSur

National News

Patay ang isang opisyal ng New People’s Army (NPA) matapos makaengkuwentro ang tropa ng militar sa Lagonoy, Camarines Sur (CamSur).

Kinilala ang nasawi na si Kumander Nicky.

Ayon sa militar, nagpapatrolya sila sa lugar nang makaengkuwentro nila ang aabot sa tatlumpung rebelde.

Tumagal nang halos isang oras ang sagupaan.

Narekober sa lugar ang ilang matataas na kalibre ng baril at mga pampasabog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *