Lopez, hindi pa bypassed ang appointment — Sato

National News

Hindi pa maituturing na bypassed ang ad interim appointment ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Ayon kay Occidental Mindoro Representative Josephine Ramirez-Sato, bukas ay magkakaroon ng executive session ang Commission on Appointments (CA) Committee on Natural Resources.

Doon aniya ay dedesisyunan ng komite kung pagbobotohan nila o hindi ang kumpirmasyon ni Lopez.

Kung hindi makukumpirma ang appointment ni Lopez hanggang Marso 17 ay maba-bypass ang appointment nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *