Mga militante, sumugod sa SMC

National News

Sumugod sa tanggapan ng San Miguel Corporation (SMC) sa Ortigas ang mga militanteng makakalikasan.

Nagsagawa ng flash mob at live diorama ang grupong Green Peace para iprotesta ang fossil fuel.

Kontra rin ang grupo sa coal plants kaya inihirit ng mga ito na isara na ng SMC ang kanilang coal plants sa Limay, Bataan.

Nito lamang Enero ay nagkaroon ng ash fall sa nasabing coal plant at ipinatitigil na rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang operasyon nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *