Pagpaslang kay Albuera, Leyte Mayor Espinosa planado umano

National News

Plinano ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 ang pagpaslang kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa noong Nobyembre.

Ito ang lumabas sa report ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs at Committee on Justice and Human Rights.

Sa ulat ng joint committee, sinabi nito na ginawa ng CIDG-8 ang pagpatay kay Espinosa para pagtakpan ang kanilang pagkakasangkot sa droga.

Batay ang nasabing konklusyon ng joint panel sa testimonya ng anak ni Espinosa at self-confessed drug distributor na si Kerwin Espinosa.

Ayon kay Kerwin, tumanggap ng drug money ang mga operatibang nagsilbi ng search warrant sa Leyte Sub-Provincial Jai, kung saan ay nakakulong at pinatay ang kanyang ama.

Kinuwestiyon din ng joint committee ang intensiyon ng CIDG 8 sa pagsisilbi ng search warrant kay Espinosa sa dis-oras ng gabi.

Naniniwala rin ang mga senador na binaril nang malapitan ang nakatatandang Espinosa samantalang nakadapa ito sa sahig batay na rin sa lumabas sa autopsy report.

Nanawagan naman ang nasabing mga komite sa Department of Justice (DOJ) na pabilisin ang resolusyon sa mga reklamo laban sa mga opisyal ng CIDG na sangkot sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *