Residential, commercial building sa Quiapo nasunog

Metro News

Nasunog ang isang residential at commercial building sa Quezon Boulevard sa Quiapo, Maynila.

Umabot sa unang alarma ang sunog bago idineklarang fire out ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Tinatayang nasa sampung kuwarto at ilang stalls ang tinupok ng apoy.

Nabatid na ang pangalawang palapag ng gusali ay paupahang kuwarto samantalang ang unang palapag ay paupahang commercial stalls.

Patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *