5 Pinoy na umano’y miyembro ng ISIS, inaresto ng Malaysian Police

National News

Pitong hinihinalang miyembro ng ISIS kabilang ang limang Pilipino at dalawang Malaysians, ang inaresto ng Malaysian Police.

Sa ulat ng Malaysian Police, naaresto ang mga suspek sa Sabah samantalang nagsasagawa ng counter-terrorism operation ang pulisya mula noong Marso a-otso hanggang a-dose.

Nabatid na ito na ang ikalawang beses na naaresto ng mga awtoridad ang ISIS suspects sa tangkang pagpapapasok ng mga militante sa Mindanao.

Kinumpirma ng Malaysian Police na ang mga Pinoy na dinakip ay pawang may permanent resident status sa Malaysia.

Sa ngayon ay nasa 250 ISIS suspects ang naaresto ng Malaysian Police simula noong taong 2013.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *