Bus na sangkot sa Tanay accident, nadiskubreng 29 anyos na

National News

Hinimok ni Senate Public Safety Committee Chairman Senator Grace Poe ang pamahalaan na bumuo ng National Transport Safety Board.

Sa naging pagdinig ng komite sa nangyaring Tanay bus accident, nabunyag na beinte nuwebe anyos na pala ang naaksidenteng Panda Coach bus.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra, 1988 pa ginawa ang sasakyan alinsunod na rin sa kumpirmasyon ng manufacturer ng bus.

May mali rin umano sa certificate of registration ng sasakyan dahil 2004 ang taon na nakalagay sa certificate kung kailan ginawa ang sasakyan.

Ang Panda Coach na bus ay sakay ang mga estudyante ng Bestlink College na magka-camping sa Tanay nang mawalan ito ng preno at sumalpok sa isang poste.

Ang aksidenteng kumitil sa buhay ng labinlima katao ay nagbunsod para magkaroon ng moratorium sa mga field trip at camping sa elementarya hanggang kolehiyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *