Destabilisasyon sa gobyerno, pinopondohan umano ng mining firms at drug lords

National News

Pinopondohan umano ng mga nasa mining industry at drug lords ang planong destabilisasyon sa Administrasyong Duterte.

Ito ang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng ika-35 taong anibersaryo ng PDP-LABAN.

Binigyang-diin ng pangulo na kilala niya ang mga minerong nagpopondo sa mga taga-Oposisyon pero tumanggi si Duterte na pangalanan kung sino ang mga ito.

Sinabi ni Duterte na partikular na pinopondohan ng mining firms ang oppositors ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Ibinunyag din ng pangulo na maging ang mga nasa militar at (PNP) ay tinatangkang bayaran.

Bukod dito, may funding din daw na galing sa ibang bansa gaya ng Amerika kung sinasakyan nila ang mga kontrobersiyal na isyu sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *