Duterte, dumipensa sa planong pagbibigay ng posisyon kay Cam dahil sa utang na loob

National News

Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pagbibigay ng posisyon sa tagasuportang si Sandra Cam.

Ayon sa pangulo, wala namang masama kung bibigyan niya si Cam ng posisyon dahil sa utang na loob niya rito noong panahon ng kampanya.

Mas mainam aniya iyon kaysa sa taga-Liberal Party (LP) ang bigyan niya ng posisyon.

Una nang sinabi ng pangulo na wala siyang pakialam sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Cam dahil mas matimbang ang tulong na ibinigay nito sa kanya.

Kaugnay ito ng paninigaw umano ni Cam sa staff ng airport at pagyayabang umano na magkakaroon siya ng puwesto sa Gabinete, bagay na itinanggi naman ng dating whistleblower.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *