Duterte, hindi makikialam sa CA sa kanyang appointees

National News

Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya nakikialam o tumatawag kanino man para lang ipilit ang kanyang interes.

Ito ang tugon ni Duterte matapos ibasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay.

Ayon kay Duterte, ipinauubaya rin niya ang proseso ng batas sa pagsalang sa CA ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Ani Duterte, wala siyang tinawagang senador o kongresista para palusutin ang kalihim.

Kaya anuman daw ang desisyon ng Kongreso ay igagalang niya ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *