Mediaman, patay sa pamamaril sa Masbate

Regional

Patay sa pamamaril ang isang mamamahayag sa Bombon Bridge, Sitio Feeder Road, Barangay Bacolod, Masbate.

Kinilala ang biktima na si Joaquin Briones na kilala bilang dating hard-hitting local commentator.

Sa inisyal na imbestigasyon, dead on the spot ang biktima matapos magtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa kanyang likuran.

Kilala si Briones sa tawag na “Dos Por Dos” na isang kolumnista sa isang national tabloid at kapatid ng editor-in-chief at publisher ng Pilipino Mirror newspaper na si Rey Briones.

Naniniwala ang pamilya ni Briones na konektado sa pulitika ang pagpaslang sa kolumnista dahil minsan na itong tumakbo bilang bise alkalde ng nasabing bayan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan kaugnay ng naturang pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *